PARA kay Boy2 Quizon, inspirasyon niya sa kanyang pag-aartista ang namayapang hari ng komedya na si Dolphy.
Katunayan, hindi raw siya nahirapang maka-adjust sa showbiz dahil maaga siyang namulat sa kanyang mundong ginagalawan bilang showbiz royalty.
Nakalabas na rin siya sa mga pelikula at sitcom noon kasama ang kanyang lolo na siyang naging inspirasyon niya sa kanyang pagsabak sa pagdidirek ng kanyang first full-length feature na “I’m Ellenya L”.
Sey pa niya, hindi raw subok lang kundi tuloy-tuloy na ang kanyang pagdidirek.
Malaking impluwensiya raw sa kanyang desisyon ang uncle niyang si Eric Quizon na minsan ay kinokonsulta niya pagdating sa ilang aspeto ng filmmaking.
Nakikita rin niyang mas komportable siya sa light genre kaya comedy romance ang directorial debut niya.
Speaking of his PPP entry, sobrang bilib siya sa kanyang lead stars na sina Maris Racal at Inigo Pascual na naging kontrobersyal ang hiwalayan.
Pagbabahagi pa niya, hindi raw siya aware na noong nagsho-shoot sila ng movie ay may pinagdadaanan na ang relasyon ng rumored sweethearts na nagdesisyong i-prioritize muna ang kanilang careers over lovelife.
“Unaware ako roon. Hindi ko namalayan na meron palang isyung ganoon sa kanila,” aniya. “Actually, sobrang professional nila at makikita mo iyong dedication at maturity nila pagdating sa trabaho. Si Inigo nga, magugulat ka dahil Piolong-Piolo na siya rito. Si Maris naman, I believe, after this movie, she will shine,” dugtong niya.
Nilinaw rin niya na hindi niya pinasok ang pagdidirek dahil nai-insecure siya sa kaibigang si Michael V.
“Michael V. is Michael V. He’s a one man team. Ako naman, simple lang ako, gusto ko lang nag-eenjoy ang mga tao, kasi in this business, you have to be open for everything,” paliwanag niya.
Si Boy2 ay mainstay ng longest running Kapuso gag show na “Bubble Gang”.
NEIL ARCE HINDI PATITIGILIN SI ANGEL SA PAG-AARTISTA KAHIT KASAL NA
AWARE ang businessman-turned film producer na si Neil Arce na passion ng kanyang girlfriend na si Angel Locsin ang pag-aartista.
Kaya naman, kung sakaling magiging misis na niya ang magaling at award-winning actress, wala siyang balak na patigilin ito sa pag-arte.
Katunayan, sobrang supportive raw siya kay Angel at bilang film producer na nakakasalamuha ng mga artista, naiintindihan daw niya ang trabaho nito.
Tungkol naman sa paggawa ni Angel ng proyekto sa kanilang N2 Productions ni Boy 2 Quizon, posible raw ito bagamat wala pa silang naiisip na konsepto o kuwento para sa aktres.
Hindi rin niya masabi kung magiging aktibo ang future wife sa pamamalakad ng kanilang film outfit lalo pa’t marami rin itong trabaho at raket.
Matatandaang nag-propose si Neil kay Angel noong Hulyo pero hanggang ngayon ay ayaw pa niyang i-disclose kung kailan sila ikakasal ng aktres.
Comments are closed.