BOYA NG CHINESE COAST GUARD SA BDM TANGGAL NA

TINANGGAL na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang inilatag na floating barrier ng Chinese Coast Guard sa katubigan sa Southeast entrance ng Bajo De Masinloc (BDM).

Inatasan ni Chairman, National Task Force for the West Philippine Sea (NTF-WPS), Sec. Eduardo Año ang PCG na alisin ang hadlang na maaring magdulot ng panganib sa pag-navigate, isang malinaw na paglabag sa internasyonal na batas.

Ito rin ay humahadlang sa pangingisda at mga aktibidad sa kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino sa BDM, na isang mahalagang bahagi ng pambansang teritoryo ng Pilipinas.

Napapatunay na ang 2016 Arbitral Award ng BDM ay ang tradisyonal na lugar ng pangingisda ng mga mangingisdang Pilipino.

Ang naturang aksyon ng PCG na alisin ang hadlang ay naaayon sa international law at soberanya ng Pilipinas sa shoal. PAULA ANTOLIN