History repeats itself! Tinalbugan ng baguhang si Cedric Kuan ng pelikulang “Firefly,” ang mga beteranong actor na sina Christopher de Leon at Piolo Pascual nang manalo itong best actor sa katatapos na Metro Manila Film Festival Gabi ng Parangal 2023.
Hindi naman ito kataka-taka dahil naging best actor din si Boyet de Leon sa una niyang pelikula noong kabataan niya, sa pelikulang “Tinimbang ka ngunit Kulang” kasama ang beteranang aktres na si Lolita Rodriguez. Ganoon din si Bembol Roco, sa pelikula namang “Maynila sa Kuko ng Liwanag.” Mukhang may tagapagmana na ng trono ang mga beteranong aktor sa katauhan ni Cedric.
Talaga lang maganda ang pelikulang “Firefly” dahil nanalo rin itong 1st Best Picture at nakopo rin ni Angeli Atienza ang Best Screenplay at Best Child Performer naman kay Euwenn Mikaell. In other words, napakagandang vehicle talaga ng pelikula para sa pagsikat, kaparis ng pelikulang “Brutal” noong 70s ni Amy Austria, na kahit sino ang maging bida, basta magaling ang director – si Zig Dulay po iyon – ay pihadong mananalo ng best actor. In other words, salamat sa writer ng Magandang story at sa mahusay na director na nakapagpalabas ng kahusayan ng actors ng pelikula.
Hindi naman nagpahuli ang historical drama “GomBurZa”, “Mallari” at “When I Met You In Tokyo” pero iba talaga ang “Firefly.”
Speaking of “When I Met You In Tokyo” na ipinanalo naman ni Vilma Santos na Best Actress, hindi niya raw inaasahang mananalo pa siya dahil gumawa lamang sila ng simpleng love story para sa mga kaedad nila ni Boyet. Simpleng istorya pero sobrang galing ng mga bida, kaya inilampaso ang iba.
Pero may nakakatawang pangyayari sa awarding ng Best Supporting Actress. Kasi naman, ang nanalong si Miles Ocampo ay hindi nabanggit sa mga nominated actresses, Technical issue raw.
Nakalimutang ilagay ang pangalan niya sa listahan ng nominees, pero hindi naman nakalimutan sa listahan ng winners. Okay lang daw naman kay Miles, basta ang mahalaga, nanalo siya. At tama naman siya. Congratulations sa lahat ng nanalo.
Heto ang kumpletong listahan ng mga nanalo sa MMFF Gabi ng Parangal 2023:
- 1st Best Picture – “Firefly”
- 2nd Best Picture – “GomBurZa”
- 3rd Best Picture – “Mallari”
- 4th Best Picture – “When I Met You In Tokyo”
- Best Director – Pepe Diokno for “GomBurZa”
- Best Actor – Cedrick Juan for “GomBurZa”
- Best Actress – Vilma Santos for “When I Met You In Tokyo”
- Best Supporting Actor – JC Santos for “Mallari”
- Best Supporting Actress – Miles Ocampo for “Family of Two”
- Best Screenplay – Angeli Atienza for “Firefly”
- Best Child Performer – Euwenn Mikaell for “Firefly”
- Best Original Theme Song – “Finggah Lickin” from “Becky & Badette,”
- Best Musical Score – “Mallari”
- Best Editing – “Kampon”
- Best Cinematography -“GomBurZa”
- Best Sound – “GomBurZa”
- Best Production Design – “GomBurZa”
- Best Visual Effects – “Mallari”
- Best Float – “When I Met You In Tokyo”
- Gender Sensitivity Award – “Becky & Badette”
- Gatpuno Antonio Villegas Cultural Award – “GomBurZa”
- Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence – “When I Met You In Tokyo”
- Marichu Vera-Perez Maceda Memorial Award – Mother Lily Monteverde