BP. PABILLO, DINAPUAN NG COVID-19

Broderick Pabillo

MAGING si Manila Apostolic Administrator Bishop Broderick Pabillo ay hindi nakaligtas at dinapuan na rin ng coronavirus disease 2019  (COVID-19)

Nabatid na sumailalim ang obispo sa isinagawang RT-PCR test at dito nakumpirma na infected na rin siya ng virus.

Kaugnay nito, humihiling ng panalangin ang Obispo sa lahat ng mananampalataya.

Pinawi naman ni Pabillo ang pangamba at pag-alala ng mga mananampalataya sa pagtiyak na nasa mabuti siyang kalagayan at wala namang nararamdamang anumang sintomas ng sakit.

Sumasailalim na rin ngayon si Pabillo sa quarantine at mahigpit na sinusunod ang “strict health protocol” na ipinapatupad ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease.

Ibinahagi naman ng Obispo sa Radio Veritas na nag-negative sa RT-PCR test ang kanyang mga staff kabilang na ang driver.

Siniguro rin ni Pabillo sa mga mananampalataya na patuloy niyang gagampanan ang kanyang Ministry sa pamamagitan ng online flatform habang siya ay naka-quarantine. ANA ROSARIO HERNANDEZ

Comments are closed.