SURE winner na si June Mar Fajardo ng San Miguel Beer bilang BEST PLAYER OF THE CONFERENCE sa PBA Philippine Cup. Nangunguna si Fajardo sa statistics kasama sina Sean Anthony ng NLEX, Stanley Pringle ng GlobalPort, RR Pogoy ng TNT Ka Tropa at Mo Tautuaa ng NLEX subalit dahil ‘out’ na ang Road Warriors, GlobalPort at Texters sa conference ay walang dudang muling maiuuwi ni Fajardo ang BPC award.
Kung hindi ako nagkakamali ay ika-7 sunod na ito ni Fajardo. Deserving naman ni June Mar dahil sa sipag niyang pagtulong sa koponan, na isa mga dahilan kung bakit nasa finals ngayon ang Beermen. Ang isa pang kahanga-hanga kay Fajardo ay kahit nasasaktan na siya ay hindi siya reklamador sa referees. Congrats!
Kahapon natapos ang bracket ng 8-11 yrs old ng 2019 BATANG PBA kung saan maglalaban sa championship ang Batang NLEX at Batang TNT Ka Tropa. Tinalo ng Batang NLEX sa semifinals ang Batang Rain or Shine, kung saan tinambakan nila ito ng 36 points.
Bibigyan ko lang ng pansin ang Batang PBA NLEX Road Warrior na si Paul Adrian Barcelona ng St. John Institute Bacolod City. First time niyang lumahok sa Batang PBA. Makikita sa kanya ang pagiging isang agresibong manlalaro. Sa edad na 11 ay masasabing ganap ang kanyang pagiging basketball player. Shooter, may depensa.
Pangarap ni Barcelona na maging varsity player sa Manila. Sa laro ng BATANG PBA, tulad ng kanyang favorite player na si James Yap ay shooter din si Paul. Panay ang pangalan na lang niya ang maririnig na isinisigaw ng barker na laging nakaka-shoot sa team. Malakas din siya sa ilalim. Ayon nga sa kanyang Daddy Pete, tatlong taon pa lang si Paul ay nakitaan na niya ng pagkahilig sa bola ang anak. “He liked and learned to play basketball,” ani Mr. Barcelona. Kaya naman kada may mga nababalitaang basketball clinic, kahit saang lugar na alam nilang makatutulong sa bata, ay ini-enroll nila ito upang madagdagan pa ang kaalaman sa paglalaro ng basketball.
Sampung beses na nanalo ng MVP award si Paul sa Negros, habang sa Milo Best naman ay nakuha niya ang mga sumusunod na awards: 8 yrs old, Most Improved Player (2016); 9 yrs old, Best in Level 1 (2017); at 10 yrs old, Best in Level 2 (2018). Sa elimination round naman ng Batang PBA 2019 ay may average siya na 24 hanggang 26 pts. Sa semis naman ay nakagawa si Barcelona ng 20 pts. Nakatutuwa kasi very supportive ang daddy ni Paul sa kanya. Nakikita namin kung paano i-coach ni Mr. Barcelona ang 11-anyos na anak. Sigurado kaming makakamit ni Paul ang pangarap niyang makapaglaro sa PBA. Ngayon pa lang ay masipag at matiyaga siya at nakikinig sa mga itinuturo ng mga nakakatanda sa kanya, na siyang dapat gawin ng mga bata upang ang pangarap nila ay magkaroon ng katuparan. Kay Paul, congratulations! Sana ay maging tulad ka ng idol mo at ka, Negros mong si James Yap..
Muli po, HAPPY, HAPPY ANNIVERSARY SA PILIPINO Mirror. Sa ating lahat, mabuhay po tayo.
Comments are closed.