MAYNILA – DUMARAMI ang oportunidad sa trabaho na maaaring pasukan ng mga Pinoy Jobseeker sa industriya ng business process outsourcing (BPO), sales, at food service industry batay sa tala ng PhilJobNet, ang internet-based job and applicant matching system ng Department of Labor and Employment (DOLE).
Sa ulat mula sa DOLE – Bureau of Local Employment (BLE), may 4,616 bakante sa sales sector; 4,173 bakante sa BPO sector, partikular para sa call center agent; at 835 bakante sa food service industry.
Kabilang sa mga bakanteng posisyon sa sales sector ay para sa promo salesperson (1,588), customer service assistant (666), cashier (409), retail/wholesale establishment salesperson (325), sales associate professional (291), retail trade salesman (254), market salesperson (245), sales clerk (220), salesman (218), stall salesperson (200), at real estate salesman (200).
May mga bakante rin para sa service crew–380, cook–231, at food server–224.
Samantala, nagtala ang PhilJobNet ng pangangailangan para sa kasambahay na may 644 bakante, staff nurse na may 476 bakante, construction laborer na may 404 bakante, bagger na may 225 bakante, at karpintero na may 204 bakante.
Para sa karagdagang bakanteng trabaho at iba pang serbisyong pang-empleo, maaaring tingnan ng mga aplikante at employer ang http://philjobnet.gov.ph. PAUL ROLDAN
Comments are closed.