BRACELET NI KAGAWAD BINULSA NI YAYA

bracelet

MAYNILA – KALABOSO ang isang kasambahay matapos ireklamo ng isang kagawad dahil sa pagnanakaw ng kanyang bracelet, kamakalawa ng umaga sa San ­Andres, Malate.

Mismong ang biktima na si Victor Del Rosario, ng Brgy 739 Zone 80, kasama si PO1 Mario Campion, ang umaresto kay alyas Kusina, ng San Andres, Malate,

Aminado naman ang suspek na kinuha niya ang bracelet ng biktima sa loob kuwarto nito.

Ayon sa suspek, isinanla umano niya sa isang pawnshop ang bracelet ng biktima sa halagang P8,000.

Gayunman, nang ipa­silip ang record sa sanglaan, walang nakitang record ng suspek na katibayan na isinangla nito ang alahas ng biktima.

Sinampahan naman ng kasong qualified theft ng biktima ang suspek sa Manila Prosecutor’s Office.  PAUL ROLDAN

Comments are closed.