BRADLEY PILI SI THURMAN

Bradley

MAGIGING dikdikan ang bakbakan nina undefeated champion Keith Thurman at Filipino ring icon Manny Pacquiao sa Linggo, Hulyo 21, sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, ayon kay da­ting kampeon at ngayo’y boxing analyst Timothy Bradley, Jr.

Para kay Bradley na dati nang nakasagupa ni Pacquiao, aabot sa 12 rounds ang laban at magwawagi si Thurman sa split decision.

Ayon Thurman, mananatiling walang talo ang American boxer dahil mas bata at mas malaki ito.

“I’m picking Thurman to win this fight because he has a lot of advantages. He’s younger, bigger and stronger,” ani Bradley.

Aniya, hindi man ito kasing bilis ng fighting senator ay magaling ang boksingero na tumiyempo ng suntok lalo pa’t mahusay na counterpuncher si Thurman.

“Thurman has great timing with explosive counterpunching ability that will keep Pacquiao honest and in the outside 60% of the time,” dagdag ni Bradley.

2 thoughts on “BRADLEY PILI SI THURMAN”

  1. 696856 807612A thoughtful opinion and guidelines Ill use on my internet page. Youve clearly spent some time on this. Effectively carried out! 133690

Comments are closed.