BAGAMAN kabi-kabila ang mga tips sa pagnenegosyo kung paano uunlad, mayroon pa ring bigo para rito.
Nakaririnig pa rin tayo na nalugi sa negosyo at idinadahilan lagi ay mismanaged ang sanhi ng pagkalugi o pagsasara ng negosyo.
Upang makaiwas sa ganitong masasaklap na pangyayari sa pagnenegosyo, nagsaliksik ang PILIPINO Mirror upang tukuyin ang red flags sa mga diskarte ng mga negosyante.
Narito ang mga red flags o pagtukoy sa maling diskarte.
- Maling-mali na kapag may bayarin kang pampersonal, gaya sa electric bills ay kukuha sa cash register o kaha.
Ang cash register o kaha ay ginagamit sa pumapasok na benta upang maire-record ang sales.
Ang dapat na pumapasok dito ay mga perang may kinalaman sa iyong negosyo.
Ang mga kinukuha naman dito ay panukli o pang ikot na puhunan gaya ng kung may bibilhing dagdag produkto na pambenta.
Sa cash register din kukuhin ang mga operatitonal expenses gaya ng pambayad sa tauhan o staff at sales clerk.
Hindi maaaring kumuha ng pera sa cash register kung ang paggagamitan ay pang-tuition, pambaon at pambili ng pagkain sa pamilya.
Isa ito sa maling-mali na ginagawa ng iba.
- Inihahalo ang personal money sa cash register. Ang iba dahil ayaw gastusin ang personal money, itinatago sa cash register.
May punto naman ito na mind conditioning para hindi makatipid subalit ang mali nito, kapag may ka-relyebo ka sa pagbabantay ng cash register.
Maaari kasing magkamali at akalain na bahagi ng pera ng tindahan o ng opisina ang personal money at magastos pa sa negosyo.
Dapat magkaroon ng separate accounting sa pera mo at sa pera sa negosyo upang agad matukoy ang pumapasok at lumalabas na salapi sa iyo.
Kung alam mo kung magkano ang pumapasok na pera sa negosyo mo, malalaman mo kung paano mo ito iha-handle at halaga na gagamitin sa operation.
- Maling diskarte ang pagkatakot na mag-invest sa teknolohiya. Magiging limitado ang operasyon kung takot mag-invest o mag-expand ng negosyo.
Paalala ng Payaman Mindset, malaking tulong ang teknolohiya para umunlad ang inyong negosyo kaya huwag mamuhunan para rito.
- Binabalewala ang branding at marketing. Maling-mali ang sobrang pagtitipid kaya hindi pinapansin ang branding at marketing strategies. Ito kasi ang magpapakilala sa iyong negosyo na susi ng maraming customer at paglago. Gamitin ang social media upang i-advertise ang iyong negosyo habang dapat alam din ang makabagong marketing para lalo pang lumawak ang negosyo.
Sana’y lumago ang inyong negosyo!