REREBISAHIN ng Department of Health (DOH) ang bagong pag-aaral ng mga Chinese scientist na nagsasabing ang gatas ng ina ay mahusay na lunas laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
“We will be reviewing this further,” pagtiyak pa ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.
Kinumpirma ni Vergeire na ang gatas ng ina ay nagbibigay ng proteksiyon sa mga sanggol laban sa ibang mga karamdaman.
Nauna rito, isang research team sa Beijing ang sumubok sa epekto ng human breast milk sa mga cells na na-expose o nalantad sa SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19.
Ang gatas ay kinolekta umano noong 2017 bago pa magsimula ang pandemic at ang cell types na mula sa animal kidney cells at sa young human lung at gut cells, ayon ulat ng China Morning Post.
Parehas umano ang naging resulta kung saan namatay lahat ng halos ng virus strain sa gatas.
Sa pinakahuling pag-aaral, sinuportahan ng World Health Organization (WHO) na maaaring makapagpatuloy na makapag-breastfeed ang nanay kahit na may COVID-19. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.