MATAPOS panagutin ang mga alkalde, mga pinuno naman ng barangay ang pinapanagot ngayon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) patungkol sa road obstruction.
Sinabi ni Interior and Local Government Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, tungkulin ng mga mayor na manguna sa pagpapatupad ng clearing operations, at responsibilidad din ng mga ito na tiyaking sumusunod at kumikilos din ang mga barangay captain na kanilang nasasakupan.
Aniya, kung kinakailangan ay disiplinahin ang barangay officials o lider ng komunidad na naaayon sa isinasaad ng local government code.
Binanggit pa nito, dapat nang magkusa ang barangay o mag-self demolish kung ang kanilang mga estruktura mismo ang nakasasagabal sa mga pam-publikong daanan.
Paalala rin ni Malaya, animnapung araw lamang ang palugit sa pag-aalis ng mga ilegal na estruktura. BENEDICT ABAYGAR, JR.
Comments are closed.