BRGY CHAIRMAN UTAS SA PANANAMBANG

pinagbabaril

ISABELA-DEAD on the spot ang isang barangay chairman makaraang tambangan at pagbabarilin ng mga armadong kalalakihan sa Barangay Annafunan, Echague ng lalawigang ito.

Kinilala ng PNP-Echague ang biktima na si  Ricardo Mencias, Kapitan ng Barangay Camarao, Cordon.

Nabatid na dakong alas-11:50 ng tanghali kahapon habang sakay ng kanyang  Toyota Fortuner na may plakang ACL-4430 ang biktima nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakilalang suspek.

Nagtamo ng tama ng bala sa mukha si Mencias na tumagos sa kanyang batok na naging sanhi ng kanyang kamatayan.

Kaagad namang rumesponde ang mga awtoridad sa lugar na pinangyarihan na kung saan ay nakita ang duguang biktima.

Sa ipinahayag naman manugang ng biktima na si Alexander Lagare, wala umano silang alam na nakaaway ng kanyang biyenan. IRENE GONZALES

2 thoughts on “BRGY CHAIRMAN UTAS SA PANANAMBANG”

  1. 711907 156694Safest messages, or a toasts. are typically launched at one point during the wedding but are likely to just be hilarious, humorous to unusual as nicely. greatest man jokes 993629

Comments are closed.