BRGY. COVID DEFENSE, FOOD BANK INILUNSAD NG PNP

Camilo Pancratius Cascolan

INILUNSAD ni Phi­lippine National Police (PNP) Chief Gen Camilo Pancratius P. Cascolan ang dalawa “benchmark projects” na nakatutok sa kapakanan ng mga lokal na komunidad sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Una rito, ang Barangay COVID Defense (BaCoD) kung saan lima o anim na barangay ang igu-grupo sa isang cluster sa ilalim ng PNP Patrulya ng Bayan – Barangay Enforcement Teams (PnT-BET).

Responsibilidad ng mga team, ang pagmomonitor ng pagsunod sa minimum health standards, pagbibigay ng seguridad at police visibility, pagtulong sa contact tracing at pagtuturo ng backyard farming.

Ayon kay Cascolan, sa ganitong paraan ay magiging mas malawak ang pagtutulungan ng PNP at ng mga lokal na komunidad laban sa COVID-19, droga at krimen at pati na rin ang kontra kahirapan at pagbangon ng ekonomiya.

At ikalawang proyekto, ang PNP Food Bank na magiging imbakan lahat ng donasyong pagkain at iba pang basic needs na natatanggap ng PNP.

Paliwanag ni Casco­lan, ang proyekto ay isang logistics system para sa tamang pamamahagi ng tulong sa mga komunidad na nangangailangan sa gitna ng pandemya at magagamit din sa panahon ng kalamidad. EUNICE C.

Comments are closed.