BRGY. GINEBRA ATAT NA SA ALL-PINOY CROWN

on the spot- pilipino mirror

KUNG natuloy  ang PBA 45th season, nakatakda na sanang magretiro si Peter Jun Simon ng Magnolia Hotshots, gayundin ang magkapatid na Ranidel de O­campo ng TNT KaTropa at Yancy de Ocampo na nasa San Miguel Beer naman.

Tsika pa namin, pati sina Sonny Thoss ng Alaska Aces at Cyrus Baguio ay magreretiro na rin. Pero dahil isa ang PBA sa mga naapektuhan ng COVID-19  pandemic ay nakansela ang liga na dapat ay simula na ang Philippine Cup 2020.

Naghihintay na lang ang professional league sa tugon ng IATF sa ipinasa ng liga. Kapag pumasa ang isinumiteng rules o paano ang sistema sa laro at mga audience, malamang  ay August o September  babalik ang PBA.

***

Sa mga nagretiro na PBA players, ang mga nai-retire pa lang na numero sa kampo ng San Miguel Beer ay kina El Presidente Ramon Fernandez, Allan Caidic at Olsen Racela.

Sana ay bigyan ng pagkakataon ng SMC na magkaroon din ng magandang exit ang mga dating player nila na nagbigay rin ng tagumpay sa team tulad nina Samboy Lim, Hector Calma, Yves Dignadice, Ato Agustin, Danny Ildefonso, Danny Seigle, at kahit papaano ay malaki rin ang naiambag nina Nelson Asaytono, Dondon Hontiveros, gayundin si cosch Noram Black na dalawang beses naging best import noong 1982, at naging head coach ng SMB na nagbigay ng grandslam sa Beermen.

Kahit sinong players na nakapaglaro sa professional league ay nagnanais na bigyan ng karangalan na iretiro ang kani- kanilang numero mismo sa PBA games upang maalala at masarap ito sa pakiramdam ng bawat basketball player. Sana ay maging proyekto rin ito ni Kume Marcial. Kung may 25 great players, dapat ay may retirement jersey na maganap.

Napakasarap panoorin o makita ang mga naging bahagi ng PBA at kasama sa tagumpay na isinasabit ang kani- kanilang jersey, na matagal nang hindi nakikita nang personal tulad ni Dignadice na matagal nang sa America naninirahan at may dalawa ng anak na babae, ang isa ay basketball player. Gayundin si Samboy Lim na mula nang madisgrasya ay bihira na ring makita sa TV. May anak itong babae na naka-gold sa 2019 SEA GAMES.

Si Hector Calma naman mula nang maging team manager ng SMB  ay ‘di na napagkita,

ilang taon na ang nagdaan. Aktibo pa rin naman sina Agustin, Ildefonso at Black sa PBA. Minsan- minsan ay nakapan-onood si El Presidente, habang sina Siegle at Hontiveros ay abala pa rin sa paglalaro. Si Hontiveros ay abala sa pagiging councilor sa Cebu, habang si Seigle sa pagiging asst. coach sa Alab kasama ni coach Jimmy Alapag.. Si Asaytono naman ay nagpapalakas sa ngayon kung saan ilang buwan na ang nakararaan ay inatake ito sa puso. Anyway, good luck sa bagong career ng mga dating PBA player.

***

Atat na atat na si L. A. Tenorio na masungkit ng Brgy Ginebra ang All-Filipino crown. Ito na lamang ang hindi pa naku-kuha ng koponan.  ta­nging ang Governors’ Cup at Commissioner‘s  Cup ang nasikwat  nila na may kasamang imports. Kaya naman ang  produkto  ng Ateneo Blue Eagles ay nais na ma-experience na makuha ng Gin Kings ang All-Filipino title. Ang sister team na  SMB ay  may limang kampeonato na sa  All Filipino kaya nga tinawag silang hari ng All-Pinoy. Aminado si L. A na mahirap makuha ang All- Filipino title lalo na’t ang makakaharap nila ay ang Beermen. Mas malalaki ang mga player nito kumpara sa kanila. Subalit iba ang panahon ngayon. Maliliksi ang mga player ni coach Tim Cone na pawang mga bata.

Comments are closed.