BRGY OFFICER TIKLO SA PAGPATAY SA KAWANI NG DSWD

ARESTADO ang 42-anyos na administrator ng barangay na sangkot sa pagpatay sa empleyado ng DSWD kahapon sa Justice Hall sa Marikina City.

Kinilala ang nadakip na si Reynaldo Mejia Jr y Rodriguez, nakatira sa #215 Malaya St., Brgy., Malanday sa lungsod.

Sa ulat ng pulisya, sangkot ang suspek sa pagpatay umano sa isang empleyado ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nabatid,dakong alas-3 ng hapon nitong Miyerkules nang arestuhin ng mga tauhan ng warrant section ang suspek sa Ground Flr. ng Justice Hall sa Brgy. Sta. Elena, Marikina.

Nauna nang naglabas ng warrant of arrest si Hon. Acerey C. Pacheco Presiding Judge ng RTC branch-165 sa lungsod laban sa suspek na accessory of the crime murder na may cc#2021-20733-MK noong Oktubre 18 taong kasalukuyan. ELMA MORALES