BRGY. OFFICIALS SA BULACAN SOLIDO SA KANILANG SINUSUPORTAHAN

Cong Jose Antonio Sy-Alvarado

MALOLOS CITY – PATULOY na umaani ng suporta mula sa mga barangay officials sa ­unang distrito ng Bulacan si Cong. Jose Antonio Sy-Alvarado bunga ng kanyang epektibong panunungkulan partikular sa pagkakaloob ng ayuda sa kanyang mga constituents mula sa tulong-pangkabuhayan, medikal at pinansyal.

Ayon sa mga barangay officials na nakapanayam ng Bigaa Bulacan Writers and Artists Society (BIGWAS) Inc, sa mga muni-sipalidad ng Hagonoy, Paombong, Bulakan, Calumpit, Pulilan at Malolos City, bagama’t nasa unang terminal pa lamang ang Bulacan solon, madami na itong nagawang programa at proyekto para sa kapakanan ng kanyang mga nasasakupan.

Nakumpirmang hindi napapatid ang lumalapit at humihingi ng tulong kay Cong. Alvarado partikular tuwing kanyang Peoples Day kaya patuloy ang suportang kanyang tinatanggap sa kanyang mga nasasakupan sa distritong ito ng Bulacan lalo na ang kanyang Lingkod-Pangkalusugan na na walang patid na nagseserbisyo sa mga kanayunan.

Full support din ang opisyal sa sports program sa kanyang distrito na nakalaan sa mga kabataang atleta at siya din ang tuma-tayong manager ng Bulacan Kuyas Team na kumakampanya sa Datu Cup ng Maharlika Filipinas Basketball League (MPBL) at laging nakikita ang kanyang presensya sa tuwing may laban ang koponang ito ng lalawigan.

Nabatid na patuloy na sinusuyod ng kong­resista ang pagkakaloob ng Medical at Dental mission sa kanyang mga kadistrito at bahagi ito ng kanyang Lingkod Pangkalusugan program na mayroon ding li-breng konsultasyon sa mga diseases of skin,hair and nails or any skin related issued bukod pa sa pagkakaloob ng mga libreng gamot para sa mga katandaan o senior citizens gayundin sa mga sanggol na nangangailangan ng atensiyong medikal.                A. BORLONGAN

Comments are closed.