BRGY. POLICE CHIEF NILIKIDA MATAPOS NA MAKIPAGLIBING

baril

BATANGAS – MATAPOS na makipaglibing, pinaglalamayan naman ang isang hepe ng barangay  police nang tambangan ito ng hindi pa nakikilalang salarin sa Brgy. Buhay, San Juan Batangas.

Kinilala ng San Juan Municipal Police Station ang  biktima na si Felix Carmona, 45, ng Barangay Sampiro ng nasabing bayan.

Sa imbestigasyon, huling nakitang buhay ang biktima nang makipaglibing ito  bago kumalat ang balitang inambus ito habang lulan ng kanyang motorsiklo sa Buhay na Sapa.

Lumabas sa pagsisiyasat base sa ilang nakasaksi na sakay rin ng motorsiklo ang gunman, su­balit hindi ito namukhaan  dahil sa suot na helmet.

Tatlong basyo ng bala ang narekober ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente na sinasabing naging sanhi ng daglian nitong kamatayan.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon sa pamamaslang habang nakikipag-ugnayan din ang mga pulis  sa pamilya ng biktima para matukoy ang posibeng motibo at kakikilannlan ng  suspek sa pamamaril. VERLIN RUIZ

Comments are closed.