INIHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na salamin ang barangay election ng national election.
Ayon sa Pangulo, mainit ang barangay election dahil masyadong personal sa mga kandidato ang botohan.
Hindi aniya maituturing na maliit na bagay ang barangay election at hindi dapat balewalain dahil salamin ito ng national election lalo na sa paparating na midterm election sa May 2025.
Paliwanag ng Pangulo ang mga barangay ang malalapitan para sa kailangang boto ng mga national candidates kalaunan.
“I cannot overstate the importance of the results of the barangay elections. It’s very simple, I mean the political dynamic is very simple. If, halimbawa, if you’re running for mayor and the majority of the barangay officials are on your side, are helping you, ay talagang malaking bagay iyon. It will make it much easier to be elected at the local level,” pahayag ng Pangulo.
Maagang nagtungo sa presinto sa Barangay Lacub, Batac City, Ilocos Norte ang Pangulo para bumoto kahapon.