LAGUNA-NALAMBAT ng mga awtoridad ang isang incumbent barangay secretary sa isang buy bust operation na isinagawa sa Barangay Mabacan, Calauan sa lalawigang ito kamakalawa ng umaga.
Kinilala ni Col. Cecilio Ison Jr. ang suspek na si Rosalinda Resureccion y Berdos, 51-anyos, dalaga at residente ng Barangay Vl- A , San Pablo city.
Nabatid na matagal na umanong nakatimbre sa pulisya ang gawain ng suspek sa pagbebenta ng droga kung saan ay isa pa sa style nito ang online selling sa mga kapwa opisyal para hindi umano mapuna ang illegal nitong gawain.
Sa pahayag ng pulisya, isang undercover agent ang nakipagtransaksyon sa suspek kamakalawa ng umaga kung saan P1500 shabu ang nakatakda nitong bilhin kay Resureccion.
Agad na dinakip ang suspek nang maiabot ng poseur buyer ang pera kapalit ng droga at nasamsam dito ang ng 3 piraso ng heat- sealed transparent plastic sachet ng shabu at ang ginamit na buy bust money. ARMAN CAMBE