BULACAN- DEAD on the spot ang Barangay Secretary ng Brgy, Minuyan-1 sa siyudad ng San Jose del Monte nang magbanggaan ang isang pampasaherong bus at multicab sa kahabaan ng EVR road sa nasabing na lugar kahapon ng umaga.
Sa paunang ulat ni Cpl. Jeremiah David Bangayan, kinilala ang biktima na si Angelica Catague y Nofies, 26-anyos, dalaga, Barangay Secretary ng B A-3 L12, Kamagong Street, Road 2, Brgy Minuyan 1.
Habang ang suspek na siyang driver ng bus ay nakilalang Joseph Olpindo y Sepnio, 41-anyos, binata, residente ng 3390 San Isidro Camarin D, Caloocan City.
Sa paunang imbestigasyon ng mga awtoridad kapwa tinatahak ng dalawang sasakyan ang EVR road kung saan nasagi ng bus na may plakang UWK-868 ang kaliwang bahagi ng multicab na kulay dilaw na may conduction ZG1709 na minamaneho ni Romulo Denoso.
Dahil sa lakas ng bangga ay tumilapon at nahulog ang sakay ng multicab barangay patrol kung saan nakasakay ang biktima.
Gumulong at masagasaan ang biktima na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.
Mabilis na tumakas ang bus driver ng Magic line Transport Corp pero sa tulong ng concern citizen agad na nadakip ang suspek.
Samantala, kasong Reckless Imprudence resulting in damage to property and a case of nurder by use of vehicle ang isasampa laban sa bus driver. THONY ARCENAL