CAVITE- NAUWI sa pamamaril ang mainitang pagtatalo ng isang Bantay-Bayan member at lasing na kapit-bahay nitong makaraang mapikon at makulitan kamakalawa ng hapon sa lungsod ng Trece Martirez sa lalawigang ito.
Dead in the spot ang biktimang kinilalang si Michael Obial, 39- anyos, farm caretaker, residente ng Brgy De Ocampo, Trece Martires City, Cavite habang arestado naman ang suspek na kinilala sa alyas na Elmer, 44-anyos, Bantay Bayan member, residente din ng nasabing lugar.
Sa imbestigasyon ng pulisya, ala-1 ng hapon nang maganap ang insidente, kung saan lasing umano ang biktima at nilapitan nito ang suspek at nakipag-usap.
Noong una ay hindi ito pinapansin ng suspek subalit napikon umano sa kakulitan ng biktima at sinugod pa umano nito ang suspek na nauwi sa mainitang pagtatalo.
Dahil dito, binunot ng suspek ang caliber 22 rifle nito at sunud-sunod na pinaputukan ang biktima sa ulo at katawan.
Agad naman itong naitakbo sa pagamutan subalit idineklarang dead on arrival na.
Naaresto ang suspek at narekober dito ang baril na ginamit at 1 empty cartridge case ng cal. 22.
SID SAMANIEGO