Dahil katulong din ang barangay workers ng gobyerno sa paglaban sa COVID-19, isinusulong ni Senador Manny Pacquiao na gawing regular sa trabaho ang mga ito.
Nais ng senador na mabigyan ng karagdagang benepisyo at masama sila sa salary standardization.
Sa Senate bill 1956 o ang Barangay Officials Salary Standardization Act of 2020, sinabi ni Pacquiao na habang ang ibang frontliners tulad ng health workers at security sector ay patuloy na umaani ng papuri sa paglaban sa pandemic ay hindi man lang napapansin o napapapurihan ang barangay workers.
“ We are all witness to the selfless service of barangay officials and personnel in the performance of their responsibilities. Napakalaki ng tulong nila lalo na sa panahon ng pandemya. Sila ang ating kasangga sa pagtulong sa ating mga kababayan,” sinabi ni Pacquiao sa kanyang privilege speech.
Sa ilalim ng panukala, layon nito na magkaroon ng standardization ng suweldo ang barangay officials mula sa Punong Barangay hanggang sa miyembro ng Sangguniang Barangay, Sangguniang Kabataan Chairperson, Barangay Secretary at Barangay Treasurer.
Sila ay magkakaroon din ng fixed salaries, allowances, insurance, medical at dental coverage , retirement benefits at iba pang incentives at mga benepisyo na nakasaad sa Civil Service laws, rules and regulations para sa regular government em-ployees.
Napupuri lamang umano ang mga barangays official sa mga salita subalit hindi sa praktikal na paraan kaya inihain niya ang nasabing panukala para sa kapakanan ng mga ito. LIZA SORIANO
Comments are closed.