PINANGUNAHAN nina Jason Brickman, Jeremiah Gray, at Brandon Ganuelas-Rosser ang mga maagang nagpatala sa nalalapit na PBA Draft.
Ang tatlong dating San Miguel Alab Pilipinas stalwarts ay kabilang sa anim na players na nagsumite ng kanilang aplikasyon sa PBA Office sa Libis para sa annual rookie selection proceedings na nakatakda sa Marso 14 sa susunod na taon.
Si Brickman, 29, ang pinakasikat sa mga aplikante dahil ang Fil-Am guard ay ranked fourth sa NCAA Division I’s career assists list noong kanyang kapanahunan sa LIU Brooklyn.
Ginugol ng 5-foot-10 na si Brickman ang kanyang mga huling season sa ASEAN Basketball League, kung saan nagwagi siya ng champion-ship kasama si Phoenix Super LPG gunner Matthew Wright noong naglalaro sila para sa Westports Malaysia Dragons. Naglaro rin siya para sa Mono Vampire sa Thailand at sa Alab Pilipinas.
Si Brickman ay may average na 8.9 points sa 45-percent shooting, 9.1 assists, 4.1 rebounds, at 1.1 steals sa nakalipas na ABL season.
Samantala, si Gray ay isang 6-foot-6 Fil-Am prospect na isa sa pinaka-athletic sa grupo.
Ang 24-anyos na produkto ng Dominican University of California ay nagposte ng 8.4 points, 3.9 boards, 2.1 assists, at 1.1 blocks sa kanyang nag-iisang season sa Alab.
Si Ganuelas-Rosser ay ang 26-anyos na kapatid ni San Miguel winger Matt.
Ang 6-foot-7 banger ay nagmula sa UC Riverside at may average na 4.9 points at 2.5 rebounds sa kanyang sophomore season para sa Alab.
Ang tatlo ay inaasahang makakakuha ng malakas na impressions mula sa scouts bago ang January 27 deadline ng pagsusumite ng aplikasy-on.
Bukod sa tatlo ay nagsumite rin si Andre Paras ng kanyang aplikasyon para sa susunod na draft.
Susubukan ng anak ni two-time PBA MVP Benjie Paras ang kanyang suwerte sa PBA matapos maglaro para sa AMA Online Education sa PBA D-League noong 2017.
Ang iba pang nag-apply sa draft ay sina 5-foot-8 guard Matthew Kyle Sanchez ng San Beda na naglaro para sa Taguig sa Chooks-to-Go Pili-pinas 3×3 League at 5-foot-8 playmaker Shem Kenneth Magallanes mula sa Caybiga High School.
Comments are closed.