BRIEFING MUNA BAGO BAKUNA

Harlin Neil Abayon-4

UMAPELA ang ilang mambabatas sa Department of Education (DepEd) at Department of Health (DoH) na bigyan ng pagkakataon ang mga magulang para  ma-briefing  muna  bago palagdain sa consent forms para sa bakuna ng mga anak.

Himok ni Deputy Minority Leader Harlin Neil Abayon sa DepEd at DOH na bigyan ng briefing sa bakuna ang mga magulang bago bigyan  ng  bakuna ang kanilang  mga anak sa kindergarten hanggang sa senior high school.

Makatutulong  ang briefing sa pagdedesisyon ng mga magulang  kung papayagan na pabakunahan o hindi ang mga anak.

Magkakaroon din ng kaa­laman ang mga magulang tungkol sa bakuna at sa magiging epekto nito sa estudyante.

 

Comments are closed.