BRIGADA ESKUWELA NAGING DAAN KONTRA TERORISTA

BRIGADA ESKWELA-2

(Ni CYRILL QUILO)

MATATAPOS na ang bakasyon. Magbubukas na naman ang pasukan kaya simula na rin ng paglilinis sa iba’t ibang pampublikong paar-alan. Ngayon nga ay sinisimulan na ang Brigada Eskuwela kung saan ang mga magulang, estudyante, guro at volunteers ay nagtutulong-tulong upang mapaganda, malinis at maayos ang eskuwelahan.

BRIGADA ESKWELA-3Ang Cainta Senior High School ay ang kauna-unahang Standalone Senior High School sa Cainta, Rizal. Dahil sa pagpapatupad ng K to 12 nang nakaraang administrasyon, nagkaroon ng kakulangan sa paaralan ang ating bansa. Bagama’t hindi pa lubusang natatapos ang ibang pampublikong eskuwelahan, nais nang lumipat at magamit ang eskuwelahan ngayong nalalapit na pasukan. Nag-aasam na huwag nang mahirapan ang mga estudyante ngayong darating na pasukan.

Sa ideya ng English head teacher na si Ms. Dhelle Casco, napagsama-sama at nagtulong-tulong para magbayanihan ang ­ilang local government units o LGUs tulad ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office ng Cainta, Reservist ng 405th Battalion, Quick Response Team, Parent and Teachers Association, Palarong Pambansa players 2019, at 2nd Infantry (Jungle Fighter) Division ng Tanay, Rizal na kinatawanan ni Capt. PJ Re-tumban, Chief Public Information Officer.

Sa dalawang taong konstruksiyon ng ginagawang proyekto, lubos naman ang suporta ng local government units ng Cainta, Rizal.

Kahit lusak sa putik ang harapan at hindi pa kaaya-aya ang hitsura ng lugar ay magagamit na ang isa sa tatlong gusali.

Ang mga susunod na gusali ay inaasahang magagamit sa Hunyo 30 at Hulyo 31 naman ang isa pang gusali. May tatlong palapag ang bawat gusali at 60 na silid-aralan na may kapasidad na 3,600 na mag-aaral.

Bagama’t may pagkukulang man ang kontraktor ng gusali, nakasisiguro naman silang matibay ang pagkakagawa nito lalo na kung lumindol o bumaha sa lugar. Tinaasan na rin ang lugar dahil alam natin na ang Rizal ay isa sa bahain o flood prone area.

Kaugnay nito, ini­lunsad din ng 2nd Infantry Jungle Fighter Division sa pangunguna ni Brig. Gen. Elias Escarcha ang kanilang Mascott na si “Popoy”, na siyang kumakatawan sa mga sundalo.

Ipinakilala ni Capt. Retumban si Popoy bilang suporta sa programa at proyekto ng pamahalaang Duterte na anti-insurgency.

BRIGADA ESKWELA-4Si Popoy ay isang friendly-mascot para sa kabataan. Ipinakikita sa ating mga kabataan na huwaran ang mga sundalong naglilingkod sa ating bansa at handang mamatay at makipaglaban para sa kapayapaan.

Sa kampanya rin ng ating magigiting na sundalo, hindi biro ang ma­kipaglaban para sa kapayapaan ng bansa. Una nang napabalita na may ilang paaralan at guro na siyang nagbibigay ng maling paniniwala at nag-iimpluwensiya sa mga mag-aaral na lumaban sa ating gob­yerno. Maging bukas ang isipan ng bawat isa lalo na sa pagsasamantala ng mga terorista.

May panukala na rin na amyendahan ang Republic Act 7077 o Citizen Armed Forces of the Philippines Reservist Act. Nasa huling pagbasa na ang House Bill 8961 or ROTC Act Reserve Officers Training Corps na maging mandatory sa Grade 11 at 12 sa pangunguna ni House Deputy Speaker Raneo Abu ng Batangas, Reps. Raul Tupad ng Ilo-ilo at Micaela Violago ng Nueva Ecija.

Tuturuan ng basic military training upang palakasin ang pagi­ging makabayan, nation-building at preparasyon sa banta ng national security at nation-al emergency. Gayundin upang mapalakas ang pagmamahal sa bayan at disiplina sa kabataan.

Ang ginawang Brigada Eskuwela ay naging mabisa. Na­ging daan din ito tungo sa magandang samahan ng mga bata at magulang, kasama na rin si PO­POY, ang kauna-unahang iti­natag na Standalone Senior High School sa Bayan ng Rizal.

Comments are closed.