BRITISH FRAUDSTER NASAKOTE NG BI SA MALL

BI-4

NAARESTO ng Bureau of Immigration (BI) agent ang convicted  na Briton  na wanted ng mga awtoridad sa UK dahil sa pagkakasangkot nito sa large-scale internet fraud at money laundering.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, nahuli si Jared William Ainsworth, 31 anyos,  ng mga tauhan ng  Fugitive Search Unit (FSU) sa isang mall sa Taguig City.

Sinabi pa ni Morente na si Ainsworth ay isang high profile fugitive kaya agaran niya itong  ipade-deport para harapin ang kanyang mga kaso sa ka-nilang lugar.

Napaulat na  si Ainsworth at ang kanyang kapatid na si Calvin Jason ay patuloy na nag-o-operate sa ng kanilang racket habang nagtatago sa  Filipi-nas. Nauna  nang ipina-deport si Calvin.

Sinabi ni BI intelligence officer Bobby Raquepo, na kumita ang magkapatid ng $175,000  mula sa kanilang racket at patuloy pa ito na tumatanggap ng pera sa Filipinas ga­ling sa kanilang ilegal na racket sa UK.

Nagbebenta ng non-existent goods via  internet ang magkapatid at  nagbabayad ang kanilang mga biktima sa money transfer sa tulong ng kanilang mga kasamahan sa UK.  FROI MORALLOS