BRITISH GOVERNMENT NAGPALABAS NG TRAVEL ADVISORY SA FILIPINAS

jolo

Kasunod ng naganap  na kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu na ikinamatay ng 15 katao at ikinasugat ng may 70 iba pa kabilang ang mga tauhan ng militar at pulis ay agad na nagpalabas ng travel advisory ang British government sa kanilang mga mamamayan na nasa bansa.

Nakasaad sa abiso na posible ang pagkakaroon ng pag-atake ng mga terorista sa Filipinas kaya ang kanilang mga mamamayan ay dapat maging maingat at mapagmatyag.

Base sa inisyung  abiso, ang mga terrorist group sa Filipinas ay mayroong kakayahan na umatake saan mang bahagi ng bansa kabilang ang capital na Manila.

Pinag-iingat ng UK ang kanilang mga mamamayan sa pagbisita sa mga matataong lugar gaya ng malls, entertainment establishments, public transportation at place of worship.

Binanggit din sa abiso na patuloy ang banta sa bansa ng mga teroristang grupo gaya ng Abu Sayyaf Group, Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), Jemaah Islamiyah (JI), New People’s Army (NPA) at iba pang kahalintulad na grupo. VERLIN RUIZ

Comments are closed.