CEBU-INARESTO ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa lalawigang ito ang isang British national matapos isuplong ng kanyang asawang Pilipina dahil sa paulit-ulit na pang-aabuso o pagmamaltrato nito.
Kinilala ni Immigration Commissioner Jaime Morente ang suspek na si Charlton William Sydney, 72-anyos, permanent residence sa nabanggit na lugar.
Batay sa impormasyon, inaresto ang dayuhan noong Lunes ng mga tauhan ng BI intelligence agent sa loob ng isang resort sa Sta. Fe, Bantayan, Cebu.
Ayon kay BI Intelligence chief Fortunato Manahan Jr., si Sydney ay holder ng permanent visa na ipinagkaloob ng immigration dahil sa asawa siya ng Pinay.
Ngunit ipinakansela ng immigration ang kanyang perment visa matapos maghain ng reklamo ang kanyang asawa dahil sa pananakit.
Sa ihinaing reklamo ng asawa,tinuran nito na “she was physically, psychologically and emotionally abused during their marriage.”
“There is substantial reason to believe that the respondent committed acts that are inimical to the general welfare, and that his presence in the Philippines already poses risk to public interest, ayon sa BI Board of Commissioners. FROILAN MORALLOS