BRITON INARESTO SA NAIA

Inaresto ng Philippine National Police Aviation Security group (PNP-AVSEGROUP) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang 48-anyos na British dahil sa paglabag ng RA 9262 o o Anti-Violence Against Women and their Children Act of 2004 na protektahan mula sa anumang uri ng karahasan ang lahat ng kababaihan at kabataan.

Ayon sa report na nakarating sa PILIPINO Mirror, dumating ang Briton sa bansa sakay ng Turkeys Airlines galing sa Istanbul, Turkey.

Inaresto ito sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu noong January 20, 2023 ng National Capital Judicial Region, Branch 5, ng Taguig City, dahil sa paglabag ng section 5(I) of Republic Act o kilala sa tawag na Anti-Violence Against Women and Children Act of 2004.

Inirekomenda ng korte na pagpiyansahin ito  ng P72,000.

Bago hinuli inilatag ng mga awtoridad ang kanyang karapatan o constitutional rights,at tamang procedure, katulad ng paggamit ng Alternative Recording Device (ARD), at Body Worn Ca­meras alinsunod sa kau­utsan ng Korte Suprema.

FROILAN MORALLOS