ISANG linggo bago ang filing of candidacy, isang independent o non commissioned survey sa San Isidro, Antipolo City ang inilabas ng isang local based survey firm na Go Rizal Go.
Ang naturang Survey na may temang “Sino ang inyong napupusuan” ay may kabuuang 500 respondents mula sa ibat ibang sektor sa San Isidro na isinagawa sa hanay ng TODA, Kabataan, LGBTQ at sa Palengke.
Umikot ang mga katanungan sa mga sumusunod: 1) Naniniwala ka ba na ang pulitika sa Barangay ay non partisan, 2) Dapat ba ang Barangay ay patakbuhin ng mga tradisyunal na pulitiko, 3) Naniniwala ka ba na mayroon pang umiiral na dinastiya hanggang sa lebel ng Barangay 4) Naniwala ka bang dapat palitan ang namumuno at sino? Kailangan bang ang mamuno ay mga bago?
Sa naturang survey, lumilitaw na mas maraming naniniwala na hindi non partisan ang nangyayari sa Barangay. Lumalabas din sa Survey na naniniwala silang mga tradisyunal ang karamihang tumatakbo sa eleksyon at mayroon pang umiiral na dinastiya sa Barangay San Isidro.
Hati naman ang opinyon sa isyu na papalitan ang namumuno.
Sa sektor naman ay lumalabas sa survey na nangunguna si Salen na nakakuha ng mataas na puntos sa palengke at kabataan, habang nakuha naman ni Cayanong ang simpatiya ng TODA at LGBTQ. Wala namang nakuhang sektor si Elizaga, nasa kulang 13 porsyento naman ang nananatiling undecided.
Sa kabuuan, si Bhaby Salen ay lumamang kay Cayanong ng .75% o wala pang isang porsyento sa puntos na 40.25%, kumpara sa 39.5% ni Ka Rex Cayanong habang si Kag.Junie Elizaga ay nakakuha ng 7.75% at ang Undecided ay 12.5.
Sa kasalukuyan ay hindi pa naghahain ng certificate of candidacy si Cayanong.