BROILER TECH NA MAY RAPE CASE KALABOSO

JAILED

LAGUNA – ARES­TADO ng Liliw  Municipal Police ang 29-anyos na broiler technician matapos ang operasyon ng manhunt Charlie and Project Janitor Fish kaugnay ng kinasasangkutan nitong kaso na five counts of rape at two counts of sexual assault sa Brgy. Mayapa, Calamba.

Batay sa ulat ni Laguna PNP Provincial Director Sr. Supt. Kirby John Kraft kay Calabarzon PNP Regional Director Chief Supt. Edward Carranza, nakilala ang naarestong si Junie Escarpe Apurado, residente ng Brgy. Daniw.

Sinasabing bukod sa patong-patong na mga kaso, kabilang pa ang acts of lascviousness, lumilitaw pa sa talaan ng pulisya na napapabilang ang suspek sa rank number 1 most wanted person sa lugar.

Nabatid na nakapagtago sa batas ang suspek sa mahabang panahon makaraan ang ilang magkakasunod na insidente ng panggagahasa nito sa biktima na si alyas “Baby”.

Sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng mga Barangay Official at mga residente, agaran itong nadakip ni Liliw PNP Chief of Police Sr. Insp.  Raymund Osea at kanyang mga tauhan kamakalawa sa natu­rang lugar bitbit ang warrant of arrest na ipinalabas ni Honorable Judge Mary Jean T Ca-jandab-Pamittan, 4th Judicial Region, Regional Trial Court, Branch 26, Sta. Cruz, Laguna na walang kaukulang piyansa. DICK GARAY

Comments are closed.