BRONER BABAGSAK KAY PACMAN – ROACH

Freddie Roach

NANINIWALA si boxing guru Freddie Roach na babagsak si Adrien Broner laban kay Filipino ring icon Manny Pacquiao sa kabila ng pagkakaroon nito ng matibay na baba.

Ayon kay Roach, nagsisilbi ngayong coaching consultant ni Pacquiao makaraang maghiwalay sila ng landas nang matalo ang Pambansang Kamao kay Jeff Horn noong 2017, na bumuo sila ng estratehiya upang masi­guro na mananalo ang Filipino champion sa pamamagitan ng knockout.

“He does have a good chin,” pahayag ni Roach sa BoxingScene.com, patungkol kay Broner.

“But the game plan is to break him down, break the body down and he’ll go, sooner or later.”

Dagdag pa ni Roach, higit na magiging determinado si Pacquiao na maitala ang knockout win laban kay Broner sa ­Enero 19 sa Las Vegas.  Nalasap ng Filipino  champion ang kanyang unang knockout victory sa loob ng maraming taon kontra Lucas Matthysse.

Para kay Roach, ang problema ay ang mindset ni Pacquiao. Naniniwala siyang ang religious beliefs ni Pacman ang pumipigil para saktan niya ang kanyang mga katunggali.

“He’s always had the power and so forth,” ani Roach. “It’s just that part of it is in his head, where he didn’t have to hurt his opponents. But that went away in the last fight, and I hope that stays away.”

“Manny watched his last fight and it was the best fight he’s had in a long time, the first knockout he’s had in probably [8 1/2] years. I think of lot of what went on there can be channeled over to this fight.”

One thought on “BRONER BABAGSAK KAY PACMAN – ROACH”

  1. 169793 442920There is noticeably big cash to comprehend about this. I suppose you produced particular nice points in capabilities also. 395443

Comments are closed.