BROODSTAG OF YOUR CHOICE

SABONG NGAYON

PARA kay Doc Marvin Rocafort ng El Campeon Conditioning Camp, in terms of quality ng magiging anak, overall ay inahin ang mas quality na mag anak kaysa dumalaga.

“Kahit matanda na ang inahin 5-6 yrs old kung proven/napaglabanan na ay siya  pa rin po ang gagamitin ko kahit kaunti lang siya mag anak. QUALITY NAMAN ANG LABANAN HINDI PADAMIHAN NG MANOK,” sabi ni Doc Marvin.

“Kung hen ang gagamitin, ang tendency po ng magiging anak ay paliit ang station/sukat kaya dapat po gagamitin po ay HIGH STATION BROODSTAG AT HINDI DAPAT MASYADO MALALIM ANG  PAGKA IN BREEDING ng pares na gagamitin sa breeding,” dagdag pa niya.

Ayon pa sa kanya, kung medium station ang broodstag ay siguraduhin lang na mataas ang inahin para mahabol ang taas ng sukat ng magiging anak.

“Kaya dapat po ay may naka-set na standard/pamantayan para alam mo kung pasaan ang iyong pupuntahan at ano

ba ang target mo. Ang lahat pp ng katanungan ay tanging ikaw lang ang makakasagot,” sabi pa ni Doc Marvin.

Aniya, lahat ng gagawin sa pagmamanok ay dapat kaya nating ipaliwanag kapag may nagtanong ng salitang “BAKIT” dahil kung hindi ay pasirok-sirok lang ang pagiging pagmamanok/sabog-sabog walang patutunguhan.

“Kung nanalo na po sa existing program na pinaggagawa ay huwag na baguhin dahil sa dulo ang usapan ay kung nanalo ba ang manok mo,” ani Doc Marvin.

Sinabi rin ni Doc Marvin na ang katangiang physical ‘PHENOTYPE” ng ating mga manok ay mas lamang na maipapasa sa kanyang mga apo kaysa kanyang mga anak o depende kung dominant ang linyada.

“Basta po ang gamefowl breeding ay Diyos lamang ang nakakaalam kung ano ang siguradong magiging hitsura ng magiging anak kaya di ko masagot ang katanungan lalo na kung hindi naman sa akin ‘yung linyada,” aniya.

“Sa sarili ko na nga linyada ay hindi ko pa maisigurado kung ano ang kalalabasan, sadya pong  ganoon tataya ka talaga sa materyales na iyong ipagpapares/mating kaya po ang pinakaimportante ay pilian, SELECTION IS THE KEY!” dagdag pa niya.

“Kung linebreeding po ang programa ay naibabato rin po ‘yung kulay ng balahibo at paa kung ano ang iyong base bloodline  maging sa anak man o apo babae at lalaki. Wala po tayong control sa kung anong hugis ng palong (peacomb/straightcomb) at ‘yung puti sa buntot/white streak. Kung ‘di pa masyadong marunong sa pagpapalahi para ‘di masyadong masayang ang iyong pera na pinaghirapan, dapat po ay pag-aralan muna. Lahat naman ng bagay ay napag-aaralan.’

Comments are closed.