BROSAS NG GABRIELA WOMEN’S PARTYLIST NAG-ANUNSIYO NG PAGTAKBO SA SENADO

INANUNSIYO  ni House Assistant Minority Leader and Gabriela Women’s Partylist Representative Arlene Brosas ng Makabayan Bloc ang kanyang pagtakbo sa Senado sa darating na halalan at tiniyak na siya ay magiging “fiscalizer” dito.

“Hindi po tayo nakukuntento na hanggang Kongreso lang ang paglahok sa labanan sa Senado, ay ‘yung mga usapin pa ng mga kababaihan.Alam n’yo po matagal ang track record natin dyan e. At hindi po tayo nasasapatan na hanggang sa Kongreso lang naiipon ‘yung mga isyu na kailangan nating kababaihan na tugunan ano,” ang pahayag ni Brosas sa pakikipanayam sa media sa kanyang pag -anunsiyo ng kandidatura sa Senado na isinagawa sa isang restaurant sa Quezon City.

Nahikayat din aniya siya ng iba ibang sektor ng kababaihan na tumakbo sa Senado.”Kaya kanina naman iba iba ang mga sektor na andito sa ngayon.Andyan po ang mga magsasaka, ang mga manggagawa, ang mga propesyonal, iba iba sila ano ng pinanggalingan. At iba’t ibang kababaihan sa iba’t ibang sektor,” ang sabi ni Brosas.

Nagpasalamat din siya sa tinawag niyang Committee of 100. ”And of course sa Makabayan kasi po tayo ay iniendorso ng Makabayan sa dose na slate.Kasali po tayo doon sa lalahok na yun,” sabi ni Brosas.

Ayon sa kanya, nauna lang ng pagpapahayag ng pagtakbo sa Senado ang isa pang Makabayan Bloc at House Leader na si Alliance of Concerned Teachers (ACT) Partylist Representative France Castro. Ang naturang mga kongresista at nanilbihan sa House of Representatives mula 17th Congress ng 2016 at matatapos ang termino sa 19th Congress ngayong taong 2025.

Si Brosas ay matagal ng advocate ng “women’s and children’s rights.”Siya rin ay isa sa mariing nagpapahayag ng pagtutol sa isinasagawang red tagging umano ng pamahalaan laban sa mga tinagurian at inaakala nilang kasapi ng “left leaning groups”.

Ayon kay Brosas, bukod sa kanila ni Castro wala pa raw silang naiisip na posibleng maging fiscalizer sa Senado.”Sa Senate, bukod sa amin sa tatakbo ngayon.Wala pa kaming, bukod sa Makabayan, wala pa kaming nakikita.Kasi ngayon ang bangayan pa ng Marcos Duterte ang meron sa ano e apparent na nakikita natin sa Senado ngayon.Other than that walang naging progresibo na umupo sa senado kaya, it’s about time na magkaroon po tayo ng ganun.Kailangan natin ng mga katulad ng , hind isa mga magkabilang makapangyarihan. Kung hindi nagmula sa mga ordinaryong mamamayan,”dagdag pa ni Brosas. Ma. Luisa Macabuhay-Garcia