BULACAN -NASAGIP ng Bulacan Environment and Natural Resources Office ang brown Serpent Eagle sa isang bukid sa bayan ng Guiguinto na agad dinala sa Community Environment and Natural Resources Office.
Ayon kay BENRO Chief Atty.Julius Victor Degala, naghihina ang naturang agila na dala marahil ng pagod, gutom at pagkauhaw dulot ng matinding sikat ng araw.
Nabatid na ang Serpent Eagle ay kabilang sa endangered species ng ibon na nanganganib nang maubos sa Pilipinas.
Sinabi naman ni Rufino Lañada ng Brgy. Sta.Rita na unang nakakita sa malaking ibon na nasa 4 talampakan ang haba ng pakpak at may timbang 2 ½ kilo.
Agad naman inilipat ang Serpent Eagle kahapon sa Manila Wildlife Rescue Center sa Quezon City.
THONY ARCENAL