MATINDI naman ang tingin ng dating Fil-Am player na ito sa PBA media. Hindi kami mukhang ensaymada at pizza noh. Kapal ng face mo, kaya pala walang nangyari sa career mo noong naglalaro ka pa. Dapat nagtanong-tanong ka muna kung bakit ang player na ipinagtatanggol mo ay hindi nakasama sa 2018 PBA ALL STAR.
Walang kinalaman ang media diyan. Paramihan ng boto ng fans at hindi kami bumoboto. Hindi namin kasalanan kung wala sa PBA ALL STAR si player, kahit mahusay siya kung wala naman siyang fans. Hindi talaga siya mapapasama. Ang laki ng katawan ng ex-player na ito pero wala namang laman ang utak. Isisi ba sa sports media kung bakit wala ‘yung isang Fil-Am player.
oOo
Lungkot factor na ang kampo ng Brgy Ginebra. Kasi nga ay 1-3 na sila sa kasalukuyan. Hindi na nagmatigas si coach Tim Cone na panatilihin sa team si import Charles Garcia. Sa pagkatalo nila sa Phoenix Fuel Master noong Sunday, 103-98, nagdesisyon na si Cone na pauwiin na si Garcia bagama’t labag ito sa kalooban niya. Ibabalik na si Justine Brownlee na nagbigay ng dalawang kampeonato sa Gin Kings. Masusubukan si Brownlee sa pagharap nila sa Meralco Bolts. Welcome back, Justine Brownlee.
oOo
Naku, sangkot na naman sa gulo itong si Kelly Nabong. Nakakailan na ba siyang patawag sa PBA office? Tulakan blues ang naganap sa gulong nangyari kamakalawa ng gabi. Itinulak ni Nabong si Marverick Hanmisi, natulad din naman si Nabong. Parehong out of the playing court ang dalawa. Ang sabi ni Kelly, pinrotektahan lamang niya ang teammate nito na si Sean Anthony kay Beau Belga. Ganito rin naman ang kuwento ni Marverics, na tinulungan lang niya ang teammate na si Belga. Pero sina Nabong at Hanmisi ang sinipa sa hardcourt. Sigurado ngayon ipatatawag ang mga sangkot sa kaguluhan. Bahala na riyan si Kume Willie Marcial. Nanalo ang Rain or Shine sa GlobalPort Batang Pier at si Chris Tiu ang napiling ‘best player of the game’ bagama’t nagdugo ang bibig nito sa bandang kaliwa na ‘di sinasadyang nasiko ng kalaban.
oOo
Kahit nagpalit na ng head coach ang Blackwater Elite, hindi pa rin nakapag-uuwi ng panalo ang naturang team. Kaya nag-decide ang management na magpalit sila ng import. Baka posibleng magbago ang ihip ng hangin. Good luck to coach Bong Ramos. Sana manalo na ang team mo. Hindi kaya dapat ay magpalit na rin ng name ang Blackwater? Kasi malas nga ang may BLACK.
Comments are closed.