WA L A N G nakapigil sa Barangay Ginebra fans na tumuloy sa victory party ng paboritong team na ginanap sa Metrotent Convention Center sa Pasig City. Bagama’t malakas ang buhos ng ulan at hangin ay dumagsa ang may 1,500 fans ng Gin Kings para makisaya sa victory party makaraang pagharian nito ang katatapos na 2018 PBA Commissioner’s Cup.
Napakasaya ng followers ng Kings, halos lahat ng players ay naroon at binigyang halaga ang kanilang fans. Congrats at good luck sa Ginebra sa pagbubukas ng 3rd conference sa Biyernes, August 17. Dalangin ng kanilang mga supporter na muling makapasok sa finals ang Ginebra.
Walang pagsidlan ang kaligayahan si coach Tim Cone nang makasama ang mga follower ng team. Matindi raw kung magmahal ang mga ito, lalo sa pagsuporta sa kanila kapag naglalaro ang team sa championship.
Iba naman ang drama ni Ginebra import Justine Brownlee na nais maging naturalized Pinoy. Napamahal na si Brownlee sa mga Filipino. Kapag natapos na ang kanyang paglalaro ay nais niyang permanenteng manirahan sa bansa tulad ni coach Norman Black na nagkaroon ng sariling pamilya. Willing naman ang kampo ng SMC na matulungan si Justine sa kanyang pangarap na maging naturalized Pinoy. Ibang klase kasi ang Pinoy kaya maraming foreigner ang napapamahal sa ating bansang sinilangan. Welcome si Justine Brownlee na maging PINOY.
Sayang naman ang tulad ni Khasim Mirza, dating UST player at halos kasabayan ni Dylan Ababou. Nakasama namin si Mirza sa HCon2018 noong Wednesday na ginanap sa World Trade Center. Naglaro si Khasin sa celebrity/media partnership kung saan ang naging kakampi niya ay si Mark Andaya at ang actor na si Andrew Gan Calupitan, artist ng GMA7. Champion ang team Big Mac, sa totoo lang ha, may galaw pa si Mirza. Kayang-kaya pa niyang makipagsabayan sa mga player na naglalaro sa PBA even sa MPBL. Ayon kay Mirza, kinukuha siya ng Bacoor, Cavite. Medyo nagkaroon lang ng problema sa dating manager ng team. Pero nawala rin sa team ang sinasabing manager ng koponan.
Sa mga hindi nakaaalam, kahit ‘di bumalik sa paglalaro ang dating UST player ay mabubuhay ito. Abala sa pag-aaral si Khasim at nagpapalipad na ito ng eroplano. Yes, isang pilot si Mirza. Congrats.
Comments are closed.