ISASABAK ng Philippine Navy ang kanilang “most powerful warship” na BRP Conrado Yap sa West Philippine Sea o Mindanao.
Sa panayam kay Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral (VADM) Robert Empedrad, magsisilbing pangunahing panlaban ng Hukbong Dagat kontra terorismo ang bagong dating na Pohang Class corvette warship mula sa Korea.
Ayon kay Empedrad kahit hindi gaanong kalakihan ang BRP Conrado Yap hagip nito ang mga nasasakupan ng Eastern at Western Mindanao command kayat mababantayan kung may mga teroristang magtatangkang pumasok sa bansa gamit ang southern backdoor.
Bukod sa matulin ang nasabing corvette class ay may taglay rin itong mga makabagong capabilities.
Subalit una rito ay sinabi ni Empedrad na isasabak muna niya sa endurance test ang kinomisyong PS39 at aatasang mag-ikot at magpatrolya sa teritoryo ng bansa.
Kabilang dito ang pag-iikot sa buong bansa mula Luzon hanggang Mindanao at maging sa Benham o Philippine Rise upang matiyak ang kahandaan nito.
Sunod na dadalhin ang warship sa West Philippine Sea o sa bahagi ng Mindanao kapag handa na ito sa deployment. VERLIN RUIZ
Comments are closed.