SOUTH KOREA — PARA sa Philippine Navy, naging maaga ang kanilang Pasko ng pitong buwan nang ilunsad sa dagat ang kanilang pinakabagong barkong pandigma, ang “ missile-frigate” BRP Jose Rizal (FF-150), sa south eastern city ng Ulsan na senyales ng pagsasa-katuparan ng matagal ng pangarap ng mga nauna nang opisyal ng Hukbong Dagat na nagtulak para magkaroon ang Filipinas ng isang modern combat units para sa kanilang naval service.
Ayon kay Captain Jonathan Zata, Navy spokesperson, halos lahat ng miyembro ng buong PN, mula sa ranking and senior officers hanggang sa pinakabatang enlisted personnel, ay nagagalak sa makasaysayang kaganapan para sa kanilang hukbo.
“All of us are equally thrilled that we will be soon deploying a brand-new frigate, with anti-submarine, anti-surface, anti-air, and electronic warfare capability to patrol and protect our vast territorial waters,” pahayag pa ni Capt. Zata.
Ang BRP Jose Rizal, na ipinangalan sa Pambansang Bayani ng Filipinas, ang magsisilbing pinakabago, moderno at pinakamalakas na fighting ma-chine ng Navy sa oras na opisyal na itong i-commissioned ng hukbo.
Pahayag pa ng tagapagsalita, ang BRP Jose Rizal ay gaganap sa critical role sa pagpapalakas ng anti-submarine, anti-surface at anti-air, at maging ng electronic warfare capabilities bukod pa sa pagkakaloob ng kasanayan sa mga bagong maglalayag na opisyal ng PN.
Ang mga frigate ng PN ay magsisilbing lead at escort ng dalawang Tarlac-class landing dock platforms, ang BRP Tarlac (LD-601) na nakapaglayag na papuntang Vladivostok Russia at ang BRP Davao del Sur (LD-602), habang nasa mission.
Kinontrata ng Department of National Defense (DND) ang Hyundai Heavy Industries upang sadyang maidisenyo at gawin ang dalawang barko na nagkakahalaga ng P16 billion bukod pa sa P2 billion na inilaan para sa electronic defense and combat monitoring system na maikukumpara sa mga makabagong gamit pandigma ng mga navy sa ibang mga bansa. VERLIN RUIZ