BRRROOOM-BILIS NA PARAAN PARA MAGKA-MOTOR!

AskUrBanker

HELLO everyone! Ito po ang AskUrBanker. Tuwing Sabado, ako po ang inyong makakasama, ang inyong Kuya Mark, at ako po ang tu-tulong sa inyong humanap ng kasagutan sa inyong mga question marks about banking.

Ngayong Sabado, ating pag-usapan kung paano tayo maaaring magkaroon ng pinakasimpleng uri ng transportasyon na magagamit sa pang araw-araw – ang motorsiklo.

Traffic, punuang sakayan, nasisiraang pampublikong transportasyon. Ilan lamang ito sa mga sakit ng ulo na ating kinakaharap sa araw-araw, lalo na kung tayo ay nagko-commute. Kaya sigurado, naiisip mo rin na magkaroon ng sarili mong sasakyan na makatutulong sa iyong mapadali ang biyahe. At dito nga natin maaaring maisip na magkaroon ng isang MOTORSIKLO. Ito ay matipid, simpleng patakbuhin, at mabilis. Madali na rin sa panahon nga-yon na magkaroon ng sarili mong motor.

Pero sa AUB, mas pinadali pa natin ito. Ito ay sa pamamagitan ng AUB CASHELP Kickstart Motorcyle Loan.

Ang Kickstart Motorcycle Loan ay isang klase ng salary loan kung saan ang mga empleyado ng mga kompanyang accredited ng AUB ay maaaring makapag-loan ng pambili ng sarili nilang motorcycles. Ang mga motorcycle units na puwedeng i-loan ay dapat na between 100-349CC o engine dis-placement.

Madali lamang ang pag-avail nito. Kailangan lang na ang manghihiram na empleyado ay isang taon na sa kanyang employer at may suweldong Php 10k pataas. Dapat din na ang magiging monthly amortization o hulog sa loan ay hindi lalagpas sa 25% ng iyong net na suweldo. Walang downpayment at ang pinakamatagal na term ng paghuhulog ay 36 months. Ang payment ng loan na ito ay sa pamamagitan ng salary deduction.

Napakadali lang, ‘di ba? Kaya kung may tanong, punta na sa kahit saang AUB branch and AskUrBanker about the AUB Kickstart Motorcycle Loan.

Huwag kalimutang tumutok tuwing Linggo sa AskUrBanker on Moneywise TV na mapapanood sa GMANewsTV, 9:30 a.m.-10 a.m.  Mapakikinggan din ang AskUrBanker sa Radyo Veritas 846AM tuwing Lunes, 5:00-5:30 nghapon.

Alamin din ang iba’t iba pang products at services ng AUB sa www.aub.com.ph o kaya naman ay i-follow ang AUB sa Facebook (AUB.official) o sa Twitter/Instagram at YouTube (AUBofficialph).

Remember, it is always best to AskUrBanker! Hanggang sa susunod.