MALUGOD na sinalubong ni Department of National Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. si bagong Defense Attaché of Brunei Darussalam to the Philippines Lt. Col. Suzana Binti Haji Antin sa introductory call nito sa kagawaran.
Ayon kay Sec. Teodoro, mahalaga ang papel ng Brunei Darussalam sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa Mindanao na kanilang ginunita sa 2- araw na state visit kamakailan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Brunei.
Dahilan upang humiling ng tulong ang kalihim sa bagong Brunei Darussalam defense attaché para suportahan ang kanilang mga pagsisikap na masupil ang mapangahas na extremism sa bansa pamamagitan ng ‘Islamic education initiatives.’
“In line with the efforts to maintain stability and spur development over the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao, Secretary Teodoro enjoined Brunei Darussalam to provide education opportunities for Imams in the Armed Forces of the Philippines, who are developing their individual capacities on the correct interpretation of the Holy Quran, counter-radicalization, and violent extremism in the country,” paliwanag ni DND spokesperson Arsenio Andolong.
Ibinahagi naman ni Teodoro kay Col. Suzana Binti Haji Antin na isa ring “logistician” ang kasalukuyang implementasyon ng Comprehensive Archipelagic Defense Concept (CADC) ng DND kung saan nakabalangkas ang ‘strategic shift’ ng bansa sa external defense.
“The Defense Secretary saw the opportunity to establish linkages between the cyber defense institutions and defense industries of the Philippines and Brunei Darussalam, and collaborate in strengthening interoperability and overall capabilities of the militaries of the two countries,” ang pahayag ni Andolong.
Nabatid pa na dahil founding members ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang Pilipinas at Brunei Darussalam at may matatag na 40 taong diplomatic relation ay kapwa committed na magtulungan para sa pagsusulong ng “regional peace at security, at mapayapang resolusyon sa pagkakaiba ng hangarin ng ASEAN Centrality.
Nakikita ng kalihim ang oportunidad ng paglikha ng linkages o ugnayan sa pagitan ng cyber defense institutions at defense industries ng PH at Brunei Darussalam at para palakasin pa ang interoperability at kabuuang kapasidad ng militar ng dalawang bansa.
Samantala, nakatakda namang ipagdiwang ng PH at Brunei ang ika-40 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatic relations ng dalawang bansa ngayong taon. VERLIN RUIZ