Image courtesy of PEP.ph
Tuwang-tuwa ang American singer-songwriters na sina Bruno Mars at Snoop Dogg sa mga Pinoy “Kalokalike” na gumagaya at umiidolo sa kanila sa “It’s Showtime.”
Si Kent Villarba ang Pinoy kalokalike ni Bruno, at inawit niya ang “Just the Way You Are,” “Grenade,” “When I Was Your Man,” “Die with a Smile,” at “That’s What I Like” na katimbre ng boses ni Bruno kaya hangang-hanga ang mga host at audience.
Nakita ni Bruno ang video clip ni Kent, at mas proud dad siya ngayong may dugong Pinoy siya.
Napansin din ng American singer-songwriter at rapper na si Snoop Dogg ang Pinoy Kalokalike niyang si Carlos Sintyoco, na sumalang sa impersonation talent show ng It’s Showtime noong October 5. Nakakatuwa raw na meron pala siyang doppelganger sa Pilipinas.