CAMP CRAME – GINUNITA kahapon ng umaga sa loob mismo ng Camp Crame sa Quezon City ang ikatlong taong brutal na pagpaslang sa Korean businessman na si Jee Ick Joo.
Ilang media personality ang maagang nakapansin sa nakatayong tent sa isang bahagi ng compound sa Camp Crame na senyales na may naganap na event sa lugar.
Dito na naalala na kahapon ay ikatlong taon na nang dukutin at paslangin si Jee sa kanyang bahay sa Angeles, Pampanga noong Oktubre 18, 2016.
Makaraang dukutin kasama ang kasambahay ay pinatay si Jee sa nasabing compound, batay na rin sa record.
Sinasabing pinaslang at ipina-cremate si Jee sa isang funeral parlor sa Caloocan City saka itinapon sa toilet bowl.
Itinurong utak sa pagdukot, extortion at pagpaslang kay Jee ay ang dating pulis na si Ricky Sta. Isabel. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM