SENTRO ng preparasyon ng Commission on Elections para sa September 22 Barangay and Sangguning Elections sa Marawi City ang pagpapaimprenta ng nasa 80,000 balota.
Ayon sa COMELEC, aabot sa 79,289 balota ang kailangan batay sa bilang ng rehistradong botante.
Inanunsiyo ni Comelec spokesman James Jimenez, sisimulan ang paglilimbag ng balota sa August 27 hanggang September 1.
Sa kabuuang bilang, 53,009 ang para sa barangay voters habang 26,280 ang para sa SK.
Samantala, inanunsiyo na rin ng Comelec na sa August 23 na magsisimula ang paghahain ng Certificate of Candidacy (COC).
Nauna na ring inanunsiyo ang election period na magsisimula sa Agosto 17 hanggang Setyembre 29 at ang campaign period sa Setyembre 12 hanggang 20.
Hindi nakasabay sa halalan para sa barangay at SK ang lungsod makaraan ang limang buwang maparalisa dahil sa digmaan noong isang taon at kasunod ay rehabilitasyon dahil sa rami ng istruktura na nawasak. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.