BSKE CANDIDATES KAKASUHAN SA “CAMPAIGN TAX” NG NPA

PINAALALAHANAN ni Philippine National Police ( PNP) Chief General Benjamin Acorda Jr. ang mga kandidato sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) na huwag magbibigay ng pera sa New People’s Army (NPA).

Sa Regular Monday Press Conference sa Camp Crame , sinabi ng PNP Chief na tradisyunal na sinasamantala ng NPA ang eleksyon para makakolekta ng “permit you campaign” fee at “permit to win” fee sa mga kandidato.

Paalala ng PNP Chief, ang pagbibigay ng pera o anumang material na suporta sa NPA na isang teroristang organisasyon, ay itinuturing na “terrorist financing”.

Babala ng PNP Chief, ang mga mapatunayang sangkot sa ilegal na aktibidad na ito ay maaring kasuhan sa ilalim ng Republic Act 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020.

“Let me caution candidates who will fall for this election racket of the CPP-NPA, a terrorist organization, is tantamount to “terrorist financing” that is punishable under Republic Act Number 11479 o Anti-Terrorism Act of 2020,” pahayag ni Acorda.

Dagdag ng PNP Chief, kung isang incumbent Barangay o SK official ang magbibigay ng pera NPA, may karagdagan silang paglabag na “willful disloyalty to their Oath of Office”.
EUNICE CELARIO