(BSP hinikayat ng pamilya Quezon) PAGLALABAS NG P20 COIN PAG-ISIPAN

HINIKAYAT  ng pamilya Quezon ang Bangko Sentral ng Pilipinas na pag-isipang muli ang planong pagpapalabas ng P20-coin.

Mukha ng yumaong dating Pangulong Manuel Quezon ang makikita sa P20 perang papel.

Sa kanyang tweet, sinabi ng kolumnistang si Manuel Quezon lll na hindi malayong mauwi na naman ito sa kalituhan tulad ng nangyari sa iba pang inilabas na coins.

“Since quite a few asked, yes, some BSP officials very nicely made contact, to get comments from the family on the proposed new coin; here is the response I sent in reply, last month. It’s really a decision of the authorities and any input due would be as any other citizens might,” paha­yag ni Quezon.

Ayon pa rito,  ang pagpapalit ng perang papel sa barya ay magbibigay  umano  ng signal na bumabagsak o nawawalan ng value ang pera maliban pa sa negatibong epekto nito sa industriya ng abaka na ginagamit sa paggawa ng perang papel. DWIZ882

Comments are closed.