BSP MAGHIHIGPIT SA INTEREST RATES NG 50 BASIS POINTS NGAYONG ARAW—FMIC, UA&P

BSP

ITATAAS ng  Bangko Sentral ng Pilipinas ang interest rates ng isa pang 50 basis points sa gagawing policy-setting meeting ngayong araw ng Huwebes, Setyembre 27, ayon sa First Metro Investment Corp. (FMIC) at ang University of Asia and the Pacific (UA&P).

Sa September 2018 edition ng “The Market Call,” sinabi ng FMIC at UA&P na maghihigpit ang BSP  ng policy rates sa ikaapat ng beses ngayong taon ng isa pang 50 basis points.

“We expect the Monetary Board to lift policy rates by 50 basis points to 4.5 percent this month as it seeks to cool inflationary expectations and exchange rate pressures,” ayon sa report.

Tumaas ang inflation ng 6.4 porsiyento nitong Agosto, ang pinakamabilis sa loob ng siyam na taon mula nang  mag-log in sa 6.6 porsiyento noong Marso 2009.

Lumubog ang piso sa P54.31:$1 nitong Martes, ang pinakamahina nito sa loob ng 12 taon bago ito nagsara sa P54.425 laban sa dolyar noong Nobyembre 22, 2005.

Nagtaas ang central bank policy-setting Monetary Board ng policy rates ng 50 basis points nitong Agosto, ang pangatlo nila at pinaka-agresibong galaw ngayong taon, sa gitna ng patuloy na inflationary concerns.

Nadagdagan ang overnight borrowing rate ng 4.00 porsiyento, habang ang overnight lending rate ay nai-adjust sa 4.50 porsiyento, at ang overnight deposit rate sa 3.50 porsiyento.

“New positive economic data have failed to dominate the financial markets as faster inflation and renewed peso weakness… clouded the overall picture,” sabi ng FMIC at UA&P.

Napansin ng Market Call ang nahaharap na rate increase ay makatutulong bilang “suporta” sa stock market.

“Inflation which may have peaked in Q3 and BSP’s impending policy rate increases should provide market support for the PSEi,” sabi rito.

“However, this does not guarantee an upswing, not until the market gets convinced that inflation has definitely started easing and external conditions improve,” sabi pa.

Plano ng BSP na gumawa ng “strong” monetary action para matugunan ang inflationary concerns.

“How much stronger do you want? We will take stronger monetary policy action,” pahayag ni BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo.

3 thoughts on “BSP MAGHIHIGPIT SA INTEREST RATES NG 50 BASIS POINTS NGAYONG ARAW—FMIC, UA&P”

Comments are closed.