BSP: MALAKAS NA AKSYON SA PANANALAPI PINAG-UUSAPAN

ILANG araw bago dumating ang kanilang policy meeting sa susunod na linggo, mu­ling nanindigan ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ka­makailan ng kanilang  “strong” mo­netary actions para matugunan ang papataas na inflation.

“How much stronger do you want us to say? We will take stronger monetary policy action,” lahad ni BSP Deputy Governor Diwa Guinigundo sa isang news forum sa Quezon City.

Nakatakda ang meeting ng BSP policy-setting Monetary Board  sa September 27 para magdesisyon kung may muling pagbabago sa  policy rates.

Nakapag-adjust na ang monetary authorities ng tatlong beses sa interest rates na may total ng 100 basis points, na nagdadala ng overnight reverse repurchase rate sa 4 porsiyento.

Ang adjustment sa interest rates ay udyok ng tumataas na inflation, na pumasok sa 6.4 porsiyento noong Agosto.

Sinabi ni Guinigundo na ang pag-a-adjust ng interest ang ginagawa ng central bank para matugunan ang inflation sa panig ng demand dahil ito ay katamtaman sa halaga ng pera sa sistema, kaya mas kaunting pera sa kamay ng mga konsyumer ay nakapagpapababa ng demand.

“Trabaho ng BSP na mapanatili na hindi mas­yadong mabilis o malakas ang paglalabas ng pera sa ating merkado ito ay magagawa lamang kung magta-tighten ang monetary policy or mag-adjust ng interest rates,” sabi ng opisyal ng BSP.

Sa tanong kung ilang basis points ang ini-aadjust ng Monetary Board sa kanilang September 27 meeting, sinabi ni Guinigundo na pinag-aaralan pa.

“‘Yan po ang kinakailangang pag-usapan din po natin,” aniya.

Comments are closed.