INILUNSAD kahapon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang bagong gold-colored Philippine eagle logo nito.
Ayon sa BSP, ang bagong logo ay nagpapakita ng ‘renewed vitality’ at core principles at mandates ng institusyon.
“The new circular logo features a gold-colored full-bodied Philippine eagle with wings spread upward, and stars noticeable above it.”
“While the strong foundation of the BSP brand remains the same, its visual representation in the form of the logo requires an update to infuse the institution with renewed vitality, underscore its integrity and competence, and further promote the understanding of its mandates,” pahayag ni BSP Governor Benjamin E. Diokno sa isang statement.
Patuloy munang gagamitin ng BSP ang kasalukuyang logo habang naghahanda ito na lumipat sa bago ‘in phases’, kung saan ang detalye nito ay iaanunsiyo sa Enero 2021.
Ang bagong logo ay inendorso ng National Historical Commission of the Philippines bago inaprubahan ng Malacañang ngayong buwan.
Comments are closed.