BINALAAN ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko laban sa mga manloloko at nagpapanggap bilang mga chartiy groups para makapag-solicit ng donasyon para sa COVID-19 pandemic.
Ayon sa BSP, nakikisakay ang cyber criminals sa iba’t ibang mga charity drives para makakuha ng personal na impormasyon tulad ng online banking user names at password ng mga nagdo-donate.
Hinihimok din anila ng mga cyber criminal ang mga target nila na i-click ang mga malicous link sa papunta sa phishing website.
Gayundin ang pagpapabukas sa isang malicious o kahina-hinalang attachment sa email na naglalaman ng malware na siyang magiging paraan ng mga nabanggit na kriminal na manakaw ang mga personal information at pera sa bangko ng mga biktima. DWIZ882